Biyernes, Setyembre 30, 2011

Rodaksala Voting System

Ang Voting System na ginagamit natin sa ngayon ay pumapabor lamang sa mga dati nang mayayaman, maimpluwensya, makapangyarihan at mga sikat.

Paano ka ba bumoto sa kasalukuyang sistema ng botohan?

Ito ang mga pagpipilian mo:

Pipili ka ng kandidato na iboboto = "+1"

O kaya leave it blank = "0"

Yan lang.


Sa Rodaksala Voting System iba.



Pipili ka ng kandidato na iboboto = "+1"

O kaya leave it blank = "0"

at Optional pwede mong ilagay sino ang ayaw mong manalo = "-1"








Kung ang isang  babaeng nililigawan at sapilitan katulad ng Voting System natin tuwing Eleksyon lang ang gagamitin nya sa pagdesisyon kung sino ang kanyang sasagutin, panalo na ang Letter "A" dahil sa Blue lang dapat tumingin. Kung papansinin nyo, mas marami ang blue ng A kaysa sa B... kaso ang totoo eh mas tambak naman siya sa Red o yung negatibo na meron sa kanyang pagkatao.

Kaya po wag kayong magtaka kung bakit halos puro kurakot at makasarili lang ang mga leaders natin dito sa Pilipinas mula Baranggay Chairman, Mayor hanggang itaas.

Bilang taxpayers dapat may karapatan tayong i-express sa balota kung sino ang ayaw nating manalong kandidato.


Kung ayaw nyo na ulit ng Ampatuan Massacre,
Kung ayaw nyo na ulit ng Marcos Regime,

Dapat magpalit na ng sistema ng botohan. Dahil ang Kasalukuyang Voting System ay dinesenyo talaga para manatili sa pwesto ang mga mapagsamantala. Kaya lalong humihirap ang buhay ng mga mahihirap at lalong yumayaman ang mga mayayaman.

Sa sobrang lala na ng ating sitwasyon sa ngayon, ang mga tao namamatay na dahil lang sa pagnanakaw. Ang mga pondo na dapat napupunta sa Edukasyon at Kalusugan anong nangyayari, ninanakaw. Bisitahin ang link para mabasa ang mga nailista kong pagbabagong magagawa nitong Voting System na ito.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento